Saturday, November 13, 2004

to my honey bunny bebe bee

to my honey bunny bebe bee,

thank you for being with me kanina. i really appreciated what you did. sobrang it really meant a lot to me that you were to take my usual place. alam mo na. di ba kadalasan ako lagi yung tinatakbuhan kapag may problema.

"hello, beb. bakit?"
"beb, nasan ka?" (hikbi)
"sa bahay bakit? bakit ka umiiyak?"
"parang ginagamit lang niya ako eh."
"ano? beb, anong nangyayari sa iyo?"
"parang ginagamit lang niya ako eh."
"sino? si ****"
(hikbi)
"beb! sino yun ha? sinong gumagamit lang sa iyo?"
"si ****. beb, busy ka ba?"
"pupunta na ako diyan. hintayin mo ako ha. hintayin mo ako."

siguro kaya ko naisipang tawagan ka kasi una sa lahat malapit ka lang dito sa bahay eh. more than ever, kailangan ko ng human warmth at hindi boses lang sa telepono. saka lalake ka, at kahit naglalabas ako ng luha dahil sa isang bading, lalake pa rin siya, one way or another.

kadalasan kasi hindi madali para sa akin yung lumapit sa ibang tao para lang sabihin yung mga nararamdaman ko. hindi ako aggressive at kadalasan iniisip ko kung ano ang sasabihin niya. siguro kasi nadala na rin ako sa mga hirit na "ang drama mo naman, mec." tuloy nararamdaman ko na napaka-petty at hindi mahalaga ang sasabihin ko kaya tumitigil na lang ako. pero kapag sila ang dumudulog sa akin, ganoon na lang ako kapag pinakikinggan ko sa kanila.

thank you, honey, because you made me realized how fortunate i was to have someone who lives near me and who i can talk to with ease. hindi kasi talaga madali para sa akin eh. pero alam mo naman ang kaibigan mo, malabo talaga!

"beb, masarap din pa yung ikaw din ang hinihingi ng tulong tapos may sasalo sa iyo. masarap rin pala yung tatakbo ka sa kaibigan"
"oo naman, beb. kaya mo nga gagawin niya para maliwanangan ka di ba? sa mga usaping ganito dapat merong isang matino"
"ah so, ikaw ba yun?" (malakas na pagtawa)
"ehem ehem"

beb, sobrang pinagaan mo yung pakiramdam ko kanina. lalo na yung naghihiritan na lang tayo at nagtatawanan. pero siguro beb hindi ko malilimutan at matatawaran yung pagpunta mo dito sa bahay ng disoras ng gabi tapos nag-stay ka hanggang 2am. to think na may class ka pa mamaya ng 8.

pero di ba, ganyan rin naman ako sa iyo before? haha! ano ito? nagsusuklian?

hindi ko talaga matiis kanina eh. nasaktan ako when i realized and felt that he was just using me or that he took advantage of me. hindi ko malilimutan yung mga hirit mo tulad nito:

  • "mec, kahit nga ang mga doktor hindi nila kayang pagalingin ang sarili nila eh."
  • "sige mec, iiyak mo lang yan hanggang sa maubos ang mga luha mo."
  • "time will heal"
  • "mec, umiyak ka dahil sa bading?!? kung lalake yan, maiintindihan ko pa. kaya lang, bading? sayang ang mga luha mo"
  • (titingin sa kalawakan) "ang mga bituin ang saksi sa pag-iyak mo sa bading."
  • "tanga ka, mec!" (malambing pa yan, ha! pero sakaling maulit muli ang pagtawag ko sa kanya dahil sa bading...) "TANGA KA, mec!"
  • "anong balak mo ngayon? balak mo pa bang ituloy?" ("ang ano?", tanong ko sa kanya) "yung pag-oo mo"
  • "siguro ngayon medyo magdidistance ka na sa kanya. pwedeng maulit pero by that time, you'll know"
  • "ang kapal ng mukha niya, mec! okay lang yung tulungan mo siya pero alam mo, inabuso ka niya. ano ba naman yung ka-date niya tapos may ka-date pa pala siyang iba? talagang may balak siyang iwan ka niya sa ere!"
  • "hindi talaga tama yung ginawa niya sa iyo, beb!"

thank you, honey bunny baby bee, when you assured me that whatever it is that i'm feeling right now is true and valid. tinanong kita kung tama ba na magalit ako at magdamdam sa nangyari. ang sabi mo, "tama lang yan nararamdaman mo, kasi kung hindi mo yan naramdaman manhid ka at tanga ." masyado kasi ako sigurong maalahanin sa maaaring sabihin ng ibang tao kaya bago ko pa man sabihin, inisip ko yung mga posibleng nilang ihirit. ewan ko ba! mahirap talagang maging meckulit!

"kasalanan pala ang pagiging masyadong mabait, beb."
"oo naman. ganyan din naman ako before eh. pero ngayon pinipili ko na kung kanino ako dapat maging sobrang mabait."

sinaktan niya ako, beb. pero siguro, tulad ng sinabi ko sa iyo, kaya ko siya sigurong hindi maiwanan kasi kahit papaano may satisfaction ako nakukuha sa kanya. the way he'd hold my hand, the way he'd look at me or for my company, the way he'd put his arms around me. kahit na he's gay, he is still a guy, anatomically speaking. i get from him the satisfaction and attention i never got from straight guys (because i intimidate them, perhaps?).

"layuan mo siya!" (sabay hithit ng sigarilyo)
"layuan ko siya? beb, baka hindi ko maipangako ko sa iyo. hindi ko alam kung bakit." (hikbi)

umaasa ako sa sinabi mo na balang araw eh matitigilan ko rin ito. sabi mo nga, ngayon medyo na realize ko na may mali sa ginawa niya kaya ako nasaktan. sakaling maulit niya yun -- according to your prediction -- matatauhan na ako. as in, gagawa na ako ng paraan.

"beb, initindi ko na lang siya kasi alam ko marami siyang problema eh. pero pareho lang naman kami diba?" (hikbi)
"kaya nga eh. insensitive siya! saka inabuso ka niya. kung sensitive niya sa nararamdaman mo, bakit nagkakaganyan ka? nasaktan ka eh." (sabay hithit ng sigarilyo)
"kasalanan ko rin. mukhang na-spoil siya sa akin. hindi ko naman aakalaing magiging ganoon eh." (hikbi)
"kung mahal mo siya, bilang kaibigan, ituro mo sa kanya ang tama. sabihin mo kung ano yung nararamdaman mo para sakaling wala ka na, hindi na niya uulitin yun. hindi na siya makakasakit. kelan ba kayo uli magkikita?"
"ewan ko. parang ayaw ko na nga eh. natatakot ako na baka maulit lang uli."

beb, maraming salamat kahit alam kong inabala kita. pero tulad ng sinabi mo, kahit ano man ang sabihin mo, ako pa rin ang masusunod. sana kung ano man ang maging desisyon ko, maging tama na. thank you talaga, hon, for the comfort that you gave me awhile ago. you shed some light into my dark path.

i love you, honey bunny bebe bee! *tsup* i will make it up to you soon.